Home Provincial News DZKI Iriga News Iriga: 8 hanggang 14 na bagyo, maaaring pumasok ng PAR mula Abril...

Iriga: 8 hanggang 14 na bagyo, maaaring pumasok ng PAR mula Abril hanggang Setyembre – PAGASA

0
11

Legazpi City- Nasa walo (8 ) hanggang labing-apat (14) na mga bagyo ang maaaring mabuo o pumasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) mula Abril hanggang Setyembre taong kasalukuyan.

Ayon sa Monthly Tropical Cyclone Forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahang mabuo ang isang bagyo ngayong Abril, at isa o dalawa naman sa mga buwan ng Mayo at Hunyo.

Dalawa hanggang tatlong bagyo naman ang asahang mabuo sa mga buwan ng Hulyo, Agosto, at Setyembre.

Ang naturang pagtataya ay kasunod ng isinagawang 182nd Climate Outlook Forum ng state weather bureau.

Samantala, wala namang namamataang mamumuong bagyo hanggang sa pagsisimula ng Holy Week ayon sa ahensya.

Source: Albay PIO

NO COMMENTS

Leave a Reply