Iriga: 52 puno, Itinanim ng naga LGU para sa Ika-52nd Anniversary ng Earth Day

0
98

52 na Banaba tree ang itinanim ng pamahalaang lungsod ng Naga ngayong araw bilang pag-gunita sa ika 52 anibersaryo ng Earth Day.

Visit RPN DZKI Iriga

Pinangunahan ni Alkalde Nelson Legacion kasama ang mga pinuno ng iba’t ibang departmento ng Naga City Hall ang pagtanim ng mga banaba sa kahabaan ng bagong Balatas New Development Area sa Balatas, Naga City. Ang banaba na isang medium-sized at namumulaklak na kahoy ay magbibigay raw ng lilim at preskong hangin sa mga pedestrian at motorista na dadaan sa lugar.

Bahagi rin daw ito ng plano ng lokal na pamahalaan na gawing pedestrian-friendly ang nakaplanong 4-lane na Balatas-NCSHS Road gaya ng ibang mga kalsada sa Naga City.

(Source: Naga City Government)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here