Iriga: 30 proyekto sa Bicol, prayoridad ni RDC Chair Rosal

0
6

Prayoridad ni Albay Governor at Regional Development Council (RDC) Chairperson Noel Ebriega Rosal ang nasa 30 na proyektong pang-imprastraktura sa Bicol sa susunod na taon.

Sa naging pahayag ni Rosal matapos ang isinagawang 4th Quarter Bicol RDC Full Council Meeting, tiniyak ng opisyal na prayoridad nilang maisama sa mga gagawing proyekto ang pag-upgrade ng mga pangunahing daungan, kabilang ang Matnog Seaport sa Sorsogon; Tabaco Port sa Albay; at Masbate Port.

Nakapalaman rin sa ipinasang priority development agenda sa Kongreso ang konstruksiyon ng mga tulay na magkokonekta sa iba’t ibang panig ng rehiyon kabilang na ang mga tulay na magkokonekta sa Cagraray, Bacacay at Batan, Rapu-Rapu; Catanduanes-Camarines Sur friendship bridge; Sorsogon-Samar, Leyte bridge; at Luzon Pacific Eastern Board Highway.

Binanggit din ni Rosal na prayoridad na mapaglaanan ng pondo sa 2026 National Expenditure Program (NEP) ang paglilipat ng mga transmission lines ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na matatagpuan malapit sa runway ng Bicol International Airport (BIA) upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Nagpahayag naman ng kumpiyansa ang opisyal na mapopondohan ang nasabing mga proyekto sa ilalim ng 2027 national budget.

Source: Albay PIO

Leave a Reply