Iriga: 22.6M halaga ng droga nasamsam sa operasyon ng PNP Bicol sa buwan ng Marso

0
13

Umabot sa kabuuang P22,684,651 halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng Philippine National Police sa Bicol sa loob ng buwan ng Marso ngayong taon.

Sa datus ng PNP Bicol, nasamsam ang mga nakumpiskang droga mula sa isinagawang 125 operasyon sa rehiyon na humantong sa pagkakaaresto ng 124 indibidwal.

Umabot naman sa 3,332.3720 gramo ng shabu ang nakumpiska habang 204.3500 gramo naman ang natukoy na marijuana.

Kaugnay nito, nangako ang PNP Bicol na patuloy nilang paiigtingin ang operasyon at kampanya laban sa ilegal na drogansa rehiyon. (Emman Lumapag)

Leave a Reply