Iriga: 2 rockfall events sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras – PHILVOCS

0
3

Nakapagtala ng dalawang (2) rockfall events sa Bulkang Mayon sa nakalipas na dalawampu’t apat (24) na oras.

Ayon sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), simula alas-12:00 ng madaling-araw nitong ika-17 ng Abril hanggang alas-12:00 ng madaling-araw kanina, nakitaan rin ito ng mahinang crater glow o banaag.

Mayroon ring pluming o katamtamang pagsingaw ang bulkan na napadpad sa gawing kanlurang bahagi nito.

Bukod pa rito ay may namonitor ring ground deformation o panandaliang pamamaga ang Bulkang Mayon.

Simula nitong ika-16 ng Abril, naitala ng PHIVOLCS ang Sulfur Dioxide Flux (SO2) emissions na umaabot ng 301 tonelada kada araw.

Bagamat wala namang naitalang volcanic earthquake sa nakalipas na 24 oras ay mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng six-kilometer radius permanent danger zone (PDZ), gayundin ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan dahil sa posibilidad ng phreatic eruption.

Source: Albay PIO

Leave a Reply