Iriga: 11 pasahero nasagip sa lumulubog na banca sa Lagonoy gulf

0
2

Ligtas na at nasa mabuting kalagayan ngayon ang di bababa sa 11 pasahero matapos na lumubog ang sinasakyang nitong bangka sa bahagi ng Lagonoy gulf kagabi.

Ayon sa kwento ng ilang pasahero papunta umano sila Kay Marissa Mission para makiramay galing ang motorbanca sa Bayan ng Presentacion , Camarines Sur at Patungo ng Brgy. Dolo, San Jose nang hampasin ito ng malakas na alon dala narin nang malakas na hangin, buti na lamang ay tyempong may kasunod silang Banca galing sa Brgy. San Sebastian Lagonoy at agad silang nasagip.

Wala namang naitalang namatay at nawawala dahil kaagad na nagresponde ang Coast guard katuwang ang MDRRMO San Jose.

Paalala palagi ng DOST/PAG-ASA sa mga maliliit na mga sasakyang pandagat na wag na pumilit dahil nakataas na gale warning sa silang bahagi ng Bicol Region. (Jv Navarro Verdeflor Jr.)

(Source: MDRRMO San Jose, Camarines Sur)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here