Baguio: Konsultasyon sa pagdagdag ng apat na metro sa tailings dam ng ISRI pinag-uusapan

0
2

Itogon, Benguet – Ilang concerned na katao sa Itogon, nag usap-usap upang mapahinto ang tailing dams na madugtongan ng apat na metro ng Itogon Suyoc Resources incorporated o ng ISRI.

Nakatakdang magsagawa ng isang pagpupulong ang mga mamamayan ng Barangay Poblacion, Tinongdan at ng Dalupirip, Itogon kaugnay sa isyu ng Dam Enhancement Project ng Itogon-Suyoc Resources Incorporated o ang ISRI.

Ayon kay Barangay Kapitan Edwin Atumpag, isasagawa ang pagpupulong sa Tinongdan Barangay Hall sa linggo Enero a 7, 2023. Sinabi niya na pag uusapan ng mabuti ang nais nilang mapahinto ang patuloy na operasyon ng ISRI ang tailing dam nito kung saan ay naglalagay ng panganib sa kapaligiran at maging sa mga tao.

Kanyang ipinaliwanag na hindi lamang sa Barangay Poblacion kung saan matatagpuan ang tailings dam ng ISRI na naapektuhan kasama ang sa ibaba ng agos o downstream sa Barangay Tinongdan at ng Dalupirip.

Kanyang ipinagpilitan na ang pagtaas ng tailings dam ay magbubunga ng pagkasira ng kanilang tirahan, ang mga hayop, at iba pang ari-arian.  Sa kasalukuyan nasabi niya na ang pagtaas ng tailings dam ay delikado lalo na kung ito ay magalaw at gumuho.

Pumayag ang mga mamamayan ng Itogon sa pagpapataas muli ng level sa tailings dam ng Itogon-Suyoc Resources Incorporated o ng ISRI para sa matabay at mapangalagaan ang dam at ang kapaligiran nito mula sa gawain sa nasabing pagminahan.

Ito ang napagkasunduan ayon na rin sa pagpupulong naganap sa Poblacion, Itogon noong linggo Enero 8, 2022, na dinaluhan ng mga tiga Tinongdan, Dalupirip at Poblacion kung saan ang 35 mamamayan doon ang bumoto ng oo samantalang 16 ang bumoto ng hindi.

At sa katatapos lang na pagpupulong meron ng napag usapan na ito’y matutuloy na pero ang ISRI dapat ay magbigay ng livelihood assistance sa communidad katulad ng paggawa ng daan, kabuhayan at bigyan ng lugar kung saan maghanap buhay ang mga small scale miner sa isang lugar na pagminahan.

Ayon din kay Mayor Bernard Waclin ang resulta ng usapan ay isang bahagi na nagpapakita ang ISRI na ito’y tapat sa kanilang pagtulong at pagtupad sa usapan. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Itogon)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here