Iriga: 10 na mag-aaral ng CSPC, matagumpay na nakapagtapos sa 14-Day Work Immersion sa APLIC

0
10

Sampung (10) mag-aaral mula sa Bachelor of Library and Information Science (BLIS) ng Camarines Sur Polytechnic College (CSPC) ang matagumpay na nakatapos ng kanilang 14-day on-the-job training (OJT) sa Albay Provincial Library and Information Center (APLIC).

Ang kanilang work immersion ay may kabuuang 108 training hours kung saan naranasan nila ang mga hands-on experience sa silid aklatan.

Sa kanilang immersion, nakibahagi ang mga mag-aaral sa gawaing pang-aklatan tulad ng cataloging and classification (technical), labeling and book covering (mechanical), at pag-encode sa KOHA system para sa inaasahang OPAC ng aklatan.

Lumahok din sila sa online storytelling session gamit ang mga aklat mula sa Let’s Read program ng The Asia Foundation, na naka-upload na sa Facebook at YouTube ng APLIC.

Nagpasalamat naman ang APLIC sa mga BLIS interns mula CSPC at maging mga nauna na intern mula University of Santo Tomas (UST) Legazpi at sa Bicol College(BC).

Samantala, matapos ang CSPC, inaasahan naman na may mga susunod pang interns na papasok muli sa APLIC pagkatapos ng Semana Santa.

Ito’y kaugnay sa layunin ng APLIC na maturuan ang mga susunod na henerasyon ng propesyonal na librarian.

Source: Albay PIO

Leave a Reply