Nais na tutukan ngayon ng Pamahalaang Lokal ng Albay ang ilan pang kakulangan sa mga PGA-managed hospital sa Albay.
Ayon kay Public Administrator (PA) Dr. Cedric D. Daep, prayoridad nila ngayon ang mga ospitals dahil isa ito sa kailangan ng lalawigan.
Sa isinagawang pagtitipon ng Provincial Health Office (PHO), kasama ang walong mga representante ng nasabing mga ospital, una nang tinalakay ang mga posibleng s
olusyon sa mga nadiskubreng kakulangan at nangangailangan ng kaukulang atensyon.
Kabilang rito ang kinakailangang budget para sa mga medical experts, training at enhancement program para mas mabigyan ng sapat na atensyong-medikal ang mga pasyente sa nasabing mga ospital.
Source: Albay PIO
