Baguio: Grand Street Dance competition mga nanalo sa Panagbenga 2025

0
23
photo courtesy of PIO-Benguet

Baguio City –  Ang Lucban Elementary School  Wagi bilang KAMPEON sa  DRUM at  LYRE Competition. Habang ang SLU, nanalo din sa FESTIVAL DANCE CATEGORY noong araw ng Sabado. Sa natapos na  Grand Street Dance Parade ng Panagbenga 2025, Nagwagi ang Drum and Lyre Competition Category ang  El Tribu D. Lucban ng Lucban Elementary School at tumanggap ito ng  P150,000 na premyo. Nakula din nila ang Best in Props and Costume. 1st runner up sa  Best in Music ang  Mabini Elementary School Drum and Lyre Corps and Street Dancing Group at nakatanggap pa ng  P100,000. 2nd runner up at  Best in Choreography ang  Tuba Central Drum and Lyre Corps at tumanggap pa ng  P70,000 bilang premyo. Samantala,  sa  Festival Dance Category, naging kampeon ang Saint Louis University at tumanggap ng  P200,000; sa ikalawang puwesto ang Lubuagan Kalinga na tumanggap ng  P100,000; at ang ikatlong puwesto  ay napunta sa  Tawid a Balitok ng Bacnotan, La union na tumanggap ng  P70,000. Nakuha din ng  SLU ang Best in Music at  Best in Choreography habang natamo ng  Tawid a Balitok ng Bacnotan,  La Union ang  Best in Costume and Props. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/Source: PIO Baguio)

 

Leave a Reply