(Legazpi City, July 18, 2025) Ipinatupad ng Albay Provincial Health Office (PHO) ang code white alert status sa lahat ng mga health facilities sa lalawigan bilang paghahanda sa epekto ni Tropical Storm (TS) Crising.
Ito ay bilang pagtalima na rin sa itinakda ng Department of Health (DOH) Memorandum 2025-0256 na may titulong, “Declaration of Code White Alert in Relation to Tropical Depression Crising”.
Sa bisa ng APHO Memorandum Order no. 02 series of 2025, hinihikayat ang lahat ng mga health facilities sa lalawigan na ipagbigay-alam sa tanggapan ang anumang maitatalang health report, at concerns kaugnay ng inaasahang epekto ng naturang sama ng panahon.
Mahigpit ring pinapaalalahanan ang mga Municipal/District Hospitals, Provincial Hospitals, Rural and City Health Units and Offices, DRRM Managers, at mga personahe ng Albay Provincial Health and Emergency Management Staff (HEMS) na manatiling naka-alerto.
Kaugnay nito, pinangunahan ng APHO ang isang emergency meeting para sa paghahanda ng medical response, logistical support, at disease prevention measures kasunod pa rin ng mga pag-ulang epekto ni TS Crising at ng mas pinalakas na Habagat.
Source: Albay PIO
