Iriga: 𝐀𝐏𝐀𝐎, 𝐩𝐥𝐚𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐥𝐮𝐧𝐬𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐟𝐫𝐞𝐬𝐡 𝐰𝐚𝐭𝐞𝐫 𝐚𝐧𝐝 𝐡𝐚𝐭𝐜𝐡𝐞𝐫𝐲 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐩𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐠𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐞𝐤𝐭𝐨𝐫 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧𝐠𝐢𝐬𝐝𝐚 𝐬𝐚 𝐀𝐥𝐛𝐚𝐲

    0
    11
    photo credits to the owner

    Legazpi City – Plano ng Albay Provincial Agricultural Office (APAO) na maglunsad ng programang provincial water and hatchery para patatagin ang sektor ng pangingisda sa Albay.

    Ayon kay Assistant Provincial Agriculturist Daryl John O. Buenconsejo, ang programa ay makatutulong sa bawat mangingisda sa lalawigan na palaguin ang kani-kanilang palaisdaan dahil magsisilbi itong suppport facility.

    Kabilang sa mga maaari nitong palaguin ay ang mga water species na tulad ng hito, fingerlings at iba pang uri ng isda.

    Kasalukuyan namang inihahanda ng opisina ang iba pang dokumento upang maipatupad na ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Department of Agriculture (DA) V.

    Samantala, isa lamang ang nasabing programa na iminungkahi ng opisina upang matulungan ang bawat mangingisda sa buong lalawigan.

    (Source: Albay PIO)

    Leave a Reply