Iriga: ๐†๐จ๐›. ๐‘๐จ๐ฌ๐š๐ฅ, ๐ง๐š๐ ๐ฉ๐š๐ก๐š๐ฒ๐š๐  ๐ง๐  ๐ฌ๐ฎ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ ๐›๐ฎ๐›๐ฎ๐ค๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐€๐ฅ๐›๐š๐ฒ ๐’๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐ฌ ๐€๐œ๐š๐๐ž๐ฆ๐ฒ

0
1

Nagpahayag ng suporta si Albay Governor Noel Ebriega Rosal sa pagbubukas ng Albay Sports Academy nitong unang araw ng Hulyo sa Provincial Sports Complex sa Guinobatan, Albay.

Kasabay ng nasabing launching ang pagpapakilala sa labindalawang piling student-athletes na bubuo sa kauna-unahang batch ng trainees ng Albay Sports Academy.

Layunin ng programa na higit pang sanayin ang kanilang kakayahan sa larangan ng palakasan habang hinuhubog din ang kanilang integridad, disiplina, at sportsmanship bilang paghahanda sa paglahok sa mas mataas na antas ng kompetisyon.

Ang mga napiling student-athletes ay sasailalim sa holistic athlete development program.

Ang pagkakatatag ng Albay Sports Academy ay isang hakbang sa pagpapaunlad ng susunod na henerasyon ng mga atletang Albayanong maaaring kumatawan sa lalawigan, rehiyon, at maging sa bansa sa mga pambansa at maging sa mga international competitions.

Source: Albay PIO

Leave a Reply