Wednesday, May 1, 2024

Ipakakalat na pulis para sa SONA ni Duterte

- Advertisement -

Nadagdagan pa ang mga itatalagang pulis sa kalakhang Maynila para magbigay seguridad sa ika-apat na SONA o State Of The Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo ang 22

Ayon kay NCRPO Director Police Major General Guillermo Eleazar, aabot sa kabuuang 15 libong mga PNP Personnel ang kanilang ipapakalat.

14 na libo aniya rito ay mga pulis habang nasa isang libo ang mga Force Multipliers.

Dagdag ni Eleazar, 9 na libo ang ipakakalat sa Quezon City partikular sa Batasan kung saan gaganapin ang SONA ng Pangulo.

Kasabay nito, tiniyak ni Eleazar na wala silang natatanggap na anumang banta sa seguridad sa darating na SONA pero patuloy aniya ang kanilang isinasagawang mahigpit na monitoring.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img