36.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Ipadeport ang mga dayuhang gumagawa ng trabaho na kayang gawin ng mga Pilipino — Bello

- Advertisement -

Dapat ipa deport at ma blacklist ang mga dayuhang gumagawa ng trabaho na kayang gawin ng mga Pilipino.

Reaksyon ito ni Labor Secretary Silvestre Bello lll makaraang imungkahi ni Senador Nancy Binay ang total ban laban sa mga construction workers sa bansa.

Ayon kay Bello, hindi uubra ang total ban sa dayuhang manggagawa dahil mayroong mga trabaho na hindi kayang gawin o hindi na aangkop sa mga Pilipino.

Tiniyak ni Bello na pinaigting nila ang kanilang operasyon upang hulihin ang mga dayuhan na gumagawa ng trabaho na dapat ay para sa mga Pilipino.

Kamakailan lamang anya ay mayroon silang nahuling 29 na ipina deport nila at ipinalagay sa blacklist ng Bureau of Immigration.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -