33.3 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Inspection Sa Mga Paaralan, Ospital, Malls At Iba Pang Negosyo Ginawa Ng Anti-COVID19 Task Force Sa Lungsod Ng Iriga

- Advertisement -

Iriga City. Upang maibsan ang labis na pag-alala ng mga mamamayan sa Lungsod ng Iriga tungkol sa kumakalat na COVID19.

Agad nagpatawag si Mayor Madel ng emergency meeting para sa mga eskwelahan, ospital, at mga negosyo dito sa Lungsod ng Iriga at dito tinalakay ang banta ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) at ano ang mga dapat gawin sa panahong ito.

Hinikayat ang lahat na huwag mag-panic at sundin ang mga hakbang na inilatag ng City Health Office patungkol sa proper handwashing, pagpapalakas ng immune system, at pagkakaroon ng healthy lifestyle.

Hinimok din ang mga dumalo para sa kanilang kooperasyon upang maka-iwas sa pinangangambahang sakit.

Kasunod nito, ginawa na ng anti-COVID19 task force ang kanilang inspection sa mga hotel na malimit puntahan ng mga turista at ipina-alala ang mga protocol ng DOH sap ag-iwas sa nabanggit na sakit.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -