‘Indefinite closure’ sa mga museum sa bansa ipatutupad

0
52

Magpapatupad na ng indefinite closure sa lahat ng museum sa bansa.

Ayon ito sa National Museum of the Philippines bilang hakbang laban sa paglaganap ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Sakop ng direktiba ang lahat ng museums na sakop ng National Museum Network sa buong bansa.

Lahat ng mga event at programa na unang nai-anunsyo ay pawang kanselado na rin.