32.7 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Inisyal na P15-M danyos hinihingi ng MIAA sa Xiamen Airlines

- Advertisement -

Humihingi ng tinatayang 15 milyong pisong danyos ang Manila International Airport Authority o MIAA sa Xiamen Airlines.

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, ito ay bilang bayad sa nagastos ng ahensiya sa equipment at manpower para maalis ang sumadsad na eroplano ng Xiamen Airlines sa runway ng NAIA.

Sinabi ni Monreal, inisyal pa lamang ang nasabing halaga at posible pang madagdagan ang multa ng Xiamen Airlines oras na matapos na ang imbestigasyon sa insidente.

Hindi pa aniya kasama rito ang nawalang kita ng paliparan.

Dagdag ni Monreal, maaari ring magsampa ng hiwalay na reklamo ang ibang airline companies maging ang mga pasahero laban sa Xiamen Airlines.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -