Inflation rate para sa ikatlong bahagi ng taon tumaas sa 6.2 percent—BSP

0
49

Tumaas sa 6.2 percent ang inflation rate para sa ikatlong bahagi ng taon o mula Hulyo hanggang Setyembre batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP.

Ayon sa BSP, lubha itong mas mataas sa 4.8 percent inflation para sa ikalawang bahagi ng taon o mula Abril, Mayo at Hunyo.

Sa kabuuan, sinabi ng BSP na umaabot sa 5 percent ang inflation rate mula enero hanggang setyembre na pasok pa rin sa kanilang 4.8 hanggang 5.2 percent para sa kabuuan ng 2018.

Una rito, nakapagtala na ng 6.7 percent inflation rate ang Philippine Statistics Authority para lamang sa buwan ng Setyembre.