SRP ng bigas ilalabas na sa susunod na linggo

0
75

Ilalabas na ng Department of Agriculture ang SRP o Suggested Retail Price ng bigas sa susunod na linggo.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, nakatakdang magpulong ang NFA Council sa October 23 upang pagtibayin ang rekomendasyong SRP ng stakeholders sa industry ng bigas.

Sa pulong ni Piñol at ng stakeholders, napagkasunduan ang P39 pababa na SRP para sa regular milled rice samantalang P44 pababa naman sa well milled rice.

Sinabi ni Piñol na natuklasan niya sa pulong na kayang ibaba ang presyo ng imported na bigas sa P40 mula sa kasalukuyang P55.