Friday, May 3, 2024

Indignation rally ginawa sa probinsya ng Albay

- Advertisement -

Nagsagawa ng Indignation Rally ang iba’t ibang sector ng komunidad upang kundinahin ang mga maling gawain at hikayatin ang mga miyembro ng rebeldeng grupo na magbalik-loob na sa gobyerno na ginanap sa Peñaranda Park, Legazpi City, Albay nito lamang Abril 24, 2023.

Ang nasabing aktibidad ay suportado ng mga Local Officials, mga grupo ng kabataan, paaralan, simbahan at mga lokal ahensya ng pamahalaan. Nakiisa din ang mga grupo mula sa National Government Agencies (NGAs), National Government Organizations (NGOs), Advocacy Support Groups, mga pamilya ng mga biktima, dating mga rebelde at iba pang indibidwal para kondenahin ang walang sawang pagpatay at aktibidad ng mga rebelde sa lalawigan ng Albay.

Sa aktibidad, nagkaroon ng pagkakaisa ang mga Albayano na ihayag ang kanilang saloobin at damdamin na nais na nilang matuldukan ang mga krimen na naidudulot ng mga rebeldeng grupo sa lalawigan.

Nagbigay din ng mensahe ang ilang dating miyembro ng CPP-NPA-NDF at kasabay ang pagsunog ng bandila ng Teroristang Grupo bilang patunay na ayaw na ng taumbayan sa panlilinlang at mga karahasan.

Ang pagsagawa ng nasabing aktibidad ay isa lamang sa kaparaanang inilulunsad ng ating mamamayan na sumisimbolo sa pagkakaisa upang kundinahin ang masamang ideolohiya, maling turo, kasinungalingan at karahasan ng makakaliwang grupo upang wakasan ang insurhensiya sa probinsya ng Albay.

(Jv Navarro Verdeflor Jr. via PCAD Bicol region Photo: CTTO)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img