Friday, May 10, 2024

India hindi na ang host ng 2021 Men’s World Boxing Championships

- Advertisement -

Sa Belgrade, Serbia na gaganapin ang 2021 Men’s World Boxing Championships at hindi sa New Delhi, India.

Ito’y ang inanunsiyo ng International Boxing Association (AIBA) matapos kanselahin ang kontrata ng New Delhi dahil sa umano’y hindi pagbabayad ng napagkasunduang host fee.

Gayunman, ayon sa AIBA, magbabayad pa rin ang India ng cancellation penalty na nagkakahalaga ng $500,000 o 461,366 euros.

Samantala, wala pang eksaktong petsa kung kailan magaganap ang nabanggit na boxing competition dahil sa coronavirus pandemic.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -