Inday Sara iwas sa pangangampanya sa balwarte ni VP Leni

0
59

Mistulang umiwas si Davao City Mayor Sara Duterte Carpio na pangunahan ang kampanya ng Hugpong ng Pagbabago sa balwarte ni Vice President Leni Robredo sa Bicol Region.

Ang kapatid niyang si Baste Duterte ang pansamantalang hahalili kay Inday Sara bilang campaign manager ng HNP.

Paliwanag ng alkalde, may kailangan siyang ayusin sa Davao City at hindi niya batid kung ilang araw ito aabutin bago maresolba.

Iginiit naman ng presidential daughter na personal ang problemang ito at walang kaugnayan sa pulitika.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay naging mainit ang word war sa pagitan ng alkalde ng Davao at ng bise-presidente.

—-