16-anyos na dalagita sa Cebu ginahasa, pinatay at binalatan ang mukha

0
178

Isang 16-anyos na dalagita at Grade 9 student ng Maribago National High School ang natagpuang patay at binalatan pa ang mukha sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Kinilala ang biktimang si Christine Lee Silawan, na laslas ang leeg, walang pang-ibabang saplot, indikasyong ginahasa ito at halos kita na ang bungo nang madiskubre sa isang bakanteng lote sa Sitio Mahayhay, Barangay Bankal, kahapon.

Ayon sa Lapu-Lapu City Police Office, nagsisilbi ang biktima bilang church collector sa Sacred Heart Parish Church sa Barangay Pajac tuwing alas-6:00 ng gabi ng Linggo pero hindi na ito nakauwi simula noong Marso 10.

Sinisilip na ng pulisya ang closed-circuit television ng simbahan upang mabatid kung sino ang huling kasama ni Silawan bago ito pinatay.


Bata pinainom ng asido ng sariling ama; suspek nagpakamatay

Patay naman ang 4-taong gulang na lalaki matapos painumin ng muriatic acid ng sariling ama sa Tondo, Maynila.

Nagpakamatay naman ang suspek sa pamamagitan din ng pag-inom ng asido.

Ayon kay Manila Police District Public Information Officer, Supt. Carlo Manuel, matinding selos ang nag-udyok sa suspek upang patayin ang anak at magpatiwakal.

Simula aniya nang umuwi ang asawa ng suspek mula Qatar ay lagi na itong nagseselos sa mga nakikitang comment sa Facebook ng mga lalaking dayuhan.

Samantala, sasailalim naman sa counseling ang ina at kapatid ng mga biktima.

—-