31.9 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Inday Sara Duterte muling tatakbo bilang alkalde

- Advertisement -

Muling tatakbo bilang alkalde si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Kasunod na rin ito ng desisyon ng local political party na Hugpong sa Davao City at kaalyansang regional party na Hugpong ng Pagbabago na isabong pa ring alkalde ng lungsod ang presidential daughter.

Samantala, pinagpipilian naman ng partido kung sino kina January Duterte na maybahay ni Paolo “Pulong” Duterte at ngayo’y Vice Mayor Bernard Al-ag ang magiging running mate ni Mayor Sara.

Ayon naman kay Al-ag, nais niya sanang tumakbong bise alkalde muli subalit susuportahan niya anuman ang maging desisyon ng partido sa nasabing puwesto.

Una namang lumutang ang posibleng pagtakbo ni pulong bilang kongresista sa unang distrito ng Davao City.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -