31.8 C
Manila
Friday, April 12, 2024

3 bagong miyembro ng PDP-Laban nanumpa na

- Advertisement -

Nanumpa na bilang bagong miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sina Bureau of Corrections (BuCor) Director Ronald “Bato” Dela Rosa, dating Bureau of Customs (BOC) Commissioner Nicanor Faeldon at aktor na si Philip Salvador.

Sabay-sabay dumating ang tatlo sa Senado at nanumpa sa pangulo ng partido na si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III.

Samantala, inamin ni Dela Rosa na interesado siyang tumakbo sa 2019 elections bilang senador habang posible namang tumakbo bilang kongresista si Salvador.

Ipinabatid naman ni Faeldon na nais lamang niyang tumulong sa kampanya para sa isinusulong ng pamahalaan na federalism.

(Ulat ni Cely Bueno)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -