INC pansamantalang inihinto ang regular na pagsamba sa kanilang mga kapilya

0
19

Pansamantalang inihinto ng Iglesia ni Cristo ang regular na pagsamba sa kanilang mga kapilya.

Ito ay bilang pagtalima sa kautusan para sa enhanced community quarantine dahil sa coronavisus disease 2019 (COVID-19).

Gayunman, hinihimok ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo na magsagawa ng panalangin sa kani-kanilang mga tahanan.

Nagpadala rin ng aral ang taga pamahala ng Iglesia ni Cristo na babasahin ng pinuno ng bawat sambahayan tuwing huwebes at linggo kasabay ng karaniwang araw ng kanilang pagsamba.