Chinese nationals hinarang ng mga awtoridad sa Muntinlupa

0
18

Hinarang ng mga awtoridad ang isang coaster na may sakay na mga Chinese nationals sa checkpoint sa Susana Heights Muntinlupa City.

Pawang empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) ang mga nabanggit na Tsino.

Dahil dito, napilitan na lamang ang driver ng coaster mag- u turn at bumalik sa kanilang pinanggalingan.

Una nang ipinag-utos ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) ang suspensyon sa operasyon ng mga pogo.

Kasunod na rin ito ng ipinalabas na guidelines ng ipinatutupad na enhanced copmmunity quarantine sa buong luzon kung saan nakapaloob ang pagbawal sa online gambling.