Ina ni Trillanes at Napoles isinasangkot ni Duterte sa ‘Kevlar helmet anomaly’

0
58

Iniugnay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ina ni Senador Antonio Trillanes III na si Estelita at pork barrel scam queen Janet Lim Napoles sa umano’y anomalya sa pagbili sana ng mga Kevlar helmets para sa mga sundalo.

Ayon kay Pangulong Duterte, kapwa sangkot sa katiwalian at kurapsyon sa Philippine Military Academy ang mga magulang ni Trillanes.

Aniya, si Ginang Estelita Trillanes ang nag-deliver ng mga Kevlar helmet para sa mga sundalo gayundin si Napoles.

2001 ng kasuhan ng graft at malversation of public funds sina Napoles at asawang si retired Marine Major Jaime Napoles kaugnay ng umano’y iregularidad sa pagbili ng 500 Kevlar helmets na nagkakahalaga ng P3.8-M.

Habang una nang iginit ni Pangulong Duterte na maituturing na conflict of interest ang pagbebenta ng gamit ng ina ni Trillanes sa Philippine Navy dahil sa pagiging navy officer noon ng senador.