Duterte inaming umiinom ng sleeping pills

0
57

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na umiinom siya ng sleeping pills.

Sa kanyang naging talumpati sa Davao city, binanggit ng pangulo ang Stilnox, isang prescription drug na ibinibigay bilang panandiliang gamot sa insomnia o hirap sa pagtulog.

Ayon kay Pangulong Duterte, pakiramdam niya ay umaabot ng walong oras ang kanyang tulog tuwing umiinom siya ng Stilnox.

Magugunitang, inamin din noon ng pangulo na gumagamit siya ng Fentanyl para maibsan ang nararamdamang sakit bunsod ng spinal injury na nakuha niya sa isang aksidente sa motorsiklo.