Friday, May 3, 2024

Importation ban sa mga karne ng manok mula sa Brazil pinababawi na ng DTI

- Advertisement -

Pinababawi na ng Depattment of Trade and Industry (DTI) ang importation ban sa mga karne ng manok mula sa Brazil.

Ito ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez kung saan iginiit nito na maaring mag kulang ang suplay ng poultry products sa bansa kung ipagpapatuloy ang ban sa mga karneng manok na mula sa bansang Brazil.

Sinabi ni Lopez na sumulat na rin ang DTI kay Agriculture Sec. William Dar  para bawiin na ang importation ban at nang hindi maapektuhan ang suplay ng pagkain sa Pilipinas lalo pa’t ang mga poultry products ang malaking porsyento ng mga binibiling pagkain ng mga Filipino.

Matatandaang, ipinatupad ang temporary ban sa mga poultry products mula Brazil bilang precautionary measures dahil nag positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mga karneng manok mula sa nabanggit na bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img