Implementation ng provincial bus ban sa EDSA nakasalalay sa SC — Nebrija

0
49

Nakasalalay umano sa desisyon ng Korte Suprema ang implementasyon ng provincial bus ban sa EDSA.

Ito ang naging sagot ni MMDA Traffic Head Bong Nebrija sa gitna na rin ng mga inihaing petisyon para ipatigil ang implementasyon ng nasabing polisiya.

Ayon kay Nebrija, depende sa ilalabas na kautusan ng SC kung itutuloy o hindi ang pagbabawal ng provincial bus sa EDSA.

Kasabay nito tiniyak ni Nebrija na handa ang ahensya na sumagot sa mga petisyon kaugnay sa polisiya.

Una rito, tinawag na “anti-poor” ni Albay Congressman Joey Salceda ang nasabing polisiya.

—–