‘Anti-obstruction of power lines’ bill aprubado na sa Senado

0
44

Aprubado na ng Senado ang panukalang batas na mag-paparusa sa pagtatayo ng mga istraktura at pagtatanim ng puno sa mga linya ng kuryente.

Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate committee on energy, at pangunahing may akda ng Senate Bill No. 2098, makatutulong ito para maiwasan ang power interruption.

Nakasaad sa naturang panukalang batas na parurusahan ang maglalagay ng obstruction at peligrosong istraktura, magtatanim ng puno, at magsasagawa ng delikadong aktibidad sa corridor ng power line na maaring makaharang sa delivery ng suplay ng kuryente o makasira sa power line.

Ang sinumang mapatunayan lumabag, ay mahaharap sa isa hanggang anim na buwang pagkaka-kulong o multang P50,000 para sa first offense.

Anim na buwan hanggang anim na taon, o multang P100,000 para sa second offense.

Habang anim na taon hanggang labing dalawang taon naman, o P200,000 para sa third offense.

Sa oras na maratipikahan na ng Senado at Kamara, ay pipirmahan na lamang ito ni Pangulong Rodrigo Duterte, upang maging ganap itong batas.

—–