Imbestigasyon sa pagkawala ng isang bumberong Pinoy sa Amerika gumugulong pa rin

0
59

Gumugulong pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad sa Estados Unidos sa pagkawala ng Pilipinong bumbero na si John Bryan Aguila.

Ayon kay West Covina Police Spokesperson Rudy Lopez, natagpuan sasakyan ng biktima sa San Dimas City sa California kung saan nakakita sila ng mga damit na may bakas ng dugo at gloves.

Nakita rin sa surveillance footage na mayroong lumabas na lalaki sa sasakyan at tumakbo palayo rito.

Dahil sa mga nakalap na ebidensya, ay maaaring may kinalaman ang natagpuang sunog na bangkay sa siyudad ayon kay Lopez.

Matatandaang noong Martes ay inaresto ng grupo ni Lopez ang dalawang indibidwal na may kinalaman umano sa kaso.