Ilang war materials narekober ng mga sundalo sa balwarte ng NPA sa Bukidnon

0
47

Ilang war materials ang narekober ng mga sundalo mula sa 88th infantry battalion matapos maka-engkwentro ang mga miyembro ng New People’s Army sa bayan ng Quezon, Bukidnon.

Ayon kay Lt. Col. Dante Bermillo, commanding officer ng 88th IB, tumagal ng halos isang oras ang bakbakan sa Barangay Santa Felomina.

Kabilang anya sa mga narekober ang isang anti-personnel mine, 50-meter detonating cord,  improvised grenade launcher at dalawang rifle grenades.

Wala namang nasugatan sa hanay ng gobyerno habang pinaigting na ng militar ang pagbabantay sa mga lugar na may malakas na presensya ng rebeldeng grupo.