Ilang small time hog raisers nagrereklamo matapos ilibing ng buhay ang kanilang mga alagang baboy

0
48

Nagrereklamo ang ilang small time hog raisers sa isang barangay sa Antipolo City matapos ilibing ng buhay ang kanilang mga alagang baboy kahit wala naman anilang sakit ang mga ito.

Ayon sa hog raisers sa Barangay Cupang, sapilitang kinumpiksa ng mga taga city health ang kanilang mga walang sakit na baboy na gumagalaw pa nang ilagay sa hukay.

Mahigit 1,000 baboy na ang nakumpiska ng mga taga city hall mula nang magsimula ang culling dahil sa napabalitang pagkamatay ng ilang baboy sa nasabing lugar.

Nangako naman ang city government na babayaran ng 3,000 piso ang kada baboy na kinumpiska.