Ilang barangay sa NCR makararanas ng isang linggong brownout

0
55

Isang linggong makakaranas ng brownout ang ilang mga barangay sa National Capital Region at karatig na mga lalawigan.

Ayon sa anunsyo ng Meralco, magkakaroon ng maintenance activities ang Meralco sa ilang mga lugar na magreresulta sa pagkawala ng kuryente.

Kabilang sa mga apektadong lugar ay ang ilang barangay sa Caloocan, Makati, Mandaluyong, Maynila, Pasay, Marikina, Pasig at Quezon City.

Maaapektuhan rin ang ilang barangay sa Bulacan, Laguna, Rizal at Quezon.