Tuesday, May 7, 2024

Ilang Senior Citizen Na Nakapagparehistro Na Sa LGU Di Pa Rin Nababakunahan

- Advertisement -

Iriga City – Kinumpirma ng Department of Health (DOH) Bicol na hindi pa gaano umano karami ang dumarating na bakuna na nagmula pa sa National Office nitong mga nakaraang buwan .

Ayon kay Dr Rita Mae Ang Bon, ang Covid 19 Vaccination Coordinator ng DOH Bicol, may mga senior citizen na halos ilang buwan ng nakapagrehistro sa kanilang LGu’s na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin itong natatawagan kung kaya’t naghihintay pa rin at umaasa na mabibigyan ng bakuna kontra sa covid 19.

Paliwanag ng ahensya, kung bakit hindi pa nabibigyan ng bakuna ang mga senior citizen ay dahil sa may mga Local Government Unit (LGU) na sadyang matitigas umano ang kanilang ulo kung saan ay hindi sinusunod ang prioritization framework.

Inihayag din nito na ang buwan ng Hulyo ay marami nang dumating na bakuna para sa senior citizen.

Target base ng tanggapan na bago magtapos ang buwan ng Hulyo ay makapagbakuna na ng 95% sa mga A2 priority group.

Payo ng opisyal sa mga LGU ay kailangan puntahan ng mga ito ang senior citizen na nasa barangay dahil sa hindi lahat na senior citizen ay kaya ng lumakad papuntang sa vaccination area upang mapabilis ang pagroll out ng bakuna sa mga LGUs.

(Source: DOH Bicol)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img