Ilang quarantine centers sa ilang parte ng bansa libre na ang wifi

0
20

May libre nang wifi sa mga quarantine centers sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), nakapaglagay na sila ng libreng wifi hotspots sa Rizal Memorial Coliseum sa Maynila, Philippine International Convention Center at World Trade Center sa Pasay City.

Sa Luzon, mayroon nang libreng wifi sa Dagupan Astrodome sa Pangasinan, New Clark City Athletes Village sa Capas Tarlac at City Rest Drive Inn sa Tuguegarao City, Cagayan.

Konektado na rinang Sacred Heart School for boys sa Cebu City sa Visayas at Ateneo De Zamboanga-Lantaka Campus sa Zamboanga City sa Mindanao.

Maliban sa magagamit anila ito ng mga doktor at nurses sa online reporting magkakaroon rin ng pagkakataon ang mga pasyente na laging makausap o mag-video call sa kanilang mga mahal sa buhay.