Garcia patuloy ang panunuyo kay Pacquiao para sa isang boxing match

0
29

Patuloy umano ang panunuyo ni dating WBC welterweight champion Danny Garcia kay Senador Manny Pacquiao para sa isang boxing face off.

Sinabi ni Garcia na nais niyang patunayan sa pamamagitan ng laban kay Pacman na mayruon pa siyang ibubuga para muling mag kampeon sa 147 pound division.

Naniniwala si Garcia na si Pacquiao ang karapat dapat na makasagupa niya sa kaniyang susunod na laban ..bagamat bukas naman siyang makipag tuos sa iba pang malalaking pangalan tulad nina Errol Spence Jr.,  Keith Thurman at Shawn Porter.

Ipinagmalaki pa ni Garcia na siya ang karapat dapat ding makalaban ni Pacman kung nais ng fighting senator ng mas malaking pera.

Si Pacman ay huling lumaban nuong July 2019 kung kailan nagwagi ito kontra kay Thurman via split decision at maagaw ang WBA super welterweight title.