33.7 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Ilang katubigan sa Pampanga, Pangasinan positibo sa red tide toxin — BFAR

- Advertisement -

Pinagbawalan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko sa paghango, pagbebenta at pagkain ng mga isda sa dalawang lugar sa Luzon.

Ayon sa BFAR positibo sa red tide toxin ang mga katubigang bahagi ng Pampanga at ng Sual sa Pangasinan.

Sinabi ng BFAR na hindi pa rin ligtas kainin ang lahat ng uri ng shellfish at alamang sa apat na coastal areas dahil sa taglay na paralytic poison na sumobra sa regulatory limit.

Kabilang dito ang Puerto Princesa Bay sa Puerto Princesa City sa Palawan, katubigang bahagi ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, Irong Irong, San Pedro at Silanga Bay sa Western Samar at katubigang sakop ng Bataan partikular sa Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay at Samal.

Ipinabatid pa ng BFAR na ligtas namang kainin ang isda, pusit at hipon basta’t sariwa ito at nalinis ng maayos kabilang ang pag aalis sa lamang loob ng mga ito bago iluto.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -