35 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Ilang grupo umalma sa naging pahayag ni Duterte ukol sa pagbaril sa mga kaliwang grupo na manggugulo sa gitna ng krisis sa COVID-19

- Advertisement -

Mariing kinondena ng Makabayan Bloc ang naging pahayag ni Pang. Rodrigo Duterte na barilin lamang ang sinumang magkikilos protesta, magdudulot ng gulo sa gitna ng kinahaharap na krisis ng Pilipinas dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, walang karapatan si Pang. Duterte na atasan ang militar at mga pulis na atakihin ang publiko lalo na’t galing sa kaban ng bayan ang ipinasusuweldo sa mga ito.

Aniya, wala ring karapatan ang Pangulo na targetin ang sinumang naggigiit ng aksyon sa pamahalaan.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite, na dapat pagmalasakitan ng pamahalaan ang mga mamamayan at hindi sagutin ang mga ito sa pamamagitan ng dahas.

Dagdag naman ni Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago, hindi pagkulong, at bala ang tugon sa mga kumakalam na sikmura lalo’t una nang ipinangako ng gobyerno ang tulong para sa mga pinaka-apektadong sektor.

Maalalang sinabi ng Pangulo na dapat na barilin na lamang ang mga kaliwang grupo na madudulot ng gulo sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -