CHR ikinaalarma ang naging pahayag ni Duterte ukol sa pagbaril ng mga manggugulo na kaliwang grupo

0
12

Ikinaalarma ng Commission on Human Rights (CHR) ang naging pahayag ni Pang. Rodrigo Duterte na barilin na lamang ang mga manggugulo sa gitna nang ipinatupad na enhanced community quarantine sa Luzon.

Ayon kay Atty. Jacqueline De Guia, tiga pagsalita ng CHR, kahit sa gitna ng pandemya, dapat pa ring pairalin ng pamahalaan ang rule of law.

Kaugnay nito, pinapurihan naman ni De Guia ang naging pahayag ni Phil. National Police (PNP) Chief Archie Gamboa na ipatutupad pa rin nila ang maximum tolerance, at susundin nila anuman ang itinakda ng batas.