Ilang bayan sa Northern Samar binaha dahil sa bagyong Samuel

0
48

Nalubog na sa baha ang ilang bayan sa northern samar dahil sa paghagupit ng bagyong Samuel.

Ayon kay Josh Echano ng Northern Samar Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, kabilang sa mga binahang bayan ang Catubig na lagpas tao na ang lalim.

Gayundin ang ilang barangay sa Las Navas at Catarman.

Samantala, nasagip naman ng mga awtoridad ang limang residente kabilang ang isang buntis.

Sa kasalukuyan ay nanatili pa rin sa signal number 1 ang Northern Samar na inaasahang patuloy na makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na ulan at lakas ng hanging aabot sa 30 hanggang 60 kilometro kada oras sa susunod na 36 oras.

—-