29 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Ilang bahagi ng testimonya sa impeachment case vs. Trump isinapubliko

- Advertisement -

Isinapubliko na ang ilang bahagi ng mga testimonya na may koneksyon sa impeachment case laban kay U.S. President Donald Trump.

Kabilang dito ang testimonya ni Laura Cooper, Deputy Assistant Secretary of Defense, na may kaugnayan sa di umano’y nangyaring manipulasyon matapos na ipitin ng Trump administration nang walang paliwanag ang 400-million dollars na tulong para sa Ukraine.

Isinapubliko na rin ng Congressional panel ang testimonya nina Catherine Croft at Christopher Anderson, mga advisers ni Ambassador Kurt Volker, dating U.S. Special Representative sa Ukraine na nagbitiw sa tungkulin nitong Setyembre.

Nakatakda na ng Nobyembre 13 ang kauna-unahang on-camera hearing ng imbestigasyon sa alegasyon kay U.S. President Donald Trump na inipit nito ang security aid sa Ukraine upang gipitin ang kanilang pamahalaan na imbestigahan ang kanyang karibal sa pulitika na si Joe Biden.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -