Friday, May 17, 2024

Ikalawang National Luzon Travel Expo gananapin sa siudad ng Baguio

- Advertisement -

Baguio City – Inaanyayahan ni Department of Tourism-Cordillera Regional Director Jovita A. Ganongan ang publiko na dumalo sa tatlong araw na 2nd National luzon travel Expo na gaganpin sa CAP John Hay, lungsod ng Baguio simula sa Nobyembre a 25 hanggang 27 ng taong ito.

Ginawa ni Regional Director Ganongan ang panawagan sa press conference na ginawa sa Grand Sierra Pines Hotel dito sa Lungsod ng Baguio noong Sabado ng umaga.

Sinabi ni Ganongan na ang tatlong araw na 2nd North Luzon Travel Expo ay magsisilbing lugar kung saan ang mga nakikinabang sa industria ng Turismo ay magkakatagpo tagpo upang humikiyat ng mga domestic at international tourists na mamasyal sa Hilagang Luzon at sa rehion Cordillera.

Ang tatlong araw na North Luzon Travel Expo ay kinapapalooban ng Tourism at Travel fair na magpapakita ng tourism at travel destinations, products, and services; North Luzon Pavillions, Corporate booths na nag-aalok ng kayang kayang bayaran na magagandang tour packages at marami pang iba.

Ang naturang North Luzon Travel Expo ay nagnanais na humikayat ng domestic travelers at maging ng taga ibang bansa upang bumisita hindi lamang sa hilagang Luzon kundi sa lahat ng panig ng bansa. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of DOT-CAR)

 

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -