Ikalawang batch ng ACUs para sa MRT 3 naikabit na

0
74

Isang magandang balita para sa mga pasahero ng MRT 3 lalo na ngayong panahon ng tag-init.

Naikabit na ang ikalawang batch ng airconditioning unit o ACUs na binili ng pamahalaan para sa mga bagon.

Ayon sa Department of Transportation, 18 panibagong aircon units ang agad na ikinabit.

Sa ngayon ay nasa 78 ACUs na ang nabibili ng ahensya kung saan 42 sa mga ito ay una nang naikabit noong Nobyermbre nang nakaraang taon.

Samantala inaasahan namang darating ang nalalabi pang 18 ACUs na huling batch sa mga biniling aircon units ng ahensya.