Suspek sa pagpatay sa dalagitang natagpuan sa loob ng septic tank sa Danao City kusang sumuko

0
55

Kusang sumuko sa mga otoridad ang suspek sa pagpatay sa 14 anyos na dalagitang natagpuan sa loob ng septic tank ng isang paaralan sa Danao City.

Ayon kay Lt. Col. Ismael Gauna, hepe ng Tuburan Police Station, kusang sumuko 34 anyos na security guard na si Jessie Medequillo, kahapon.

Mula sa bayan ng Tuburan ay dadalhin naman si Medequillo sa bayan ng Danao.

Sa ngayon ay personal na galit ang tinitingnang anggulo ng mga otoridad sa naturang pagpatay.