Mga provincial bus sa ilang terminal sa Cubao halos fully-booked na

0
47

Ilang araw na lamang bago sumapit ang Semana Santa ay halos fully-booked na ang mga bus na biyaheng pa-probinsya sa Araneta Center Bus Station at Araneta Center Bus Port.

Batay sa ulat ng mga ticketing office, malayo pa lamang ang holy week break ay nagpapa-reserba na ng mga ticket ang mga pasahero para maiwasan na ang kanilang mga naranasang pagka-antala noong mga nakaraang taon.

Sa datos ng Araneta Center Bus Terminal, inaasahang aabot sa 5,000 ang bilang ng mga pasaherong magsisidatingan sa naturang terminal at inaasahang do-doble pa ang nabanggit na bilang sa mga susunod pang araw.

Samantala, naka-antabay naman ang mga tauhan ng terminal at hanay ng pulisya sa dalawang terminal upang matiyak ang kaligtasan ng mga biyahero.