Ika-walong bigtime rollback sa presyo ng langis sinimulan nang ipatupad

0
53

Pangungunahan ng Phoenix Petroleum ang ika-walong sunod na linggong bigtime rollback sa mga produktong petrolyo.

Epektibo mamayang alas dose ng tanghali, magtatapyas ang Phoenix ng P2 sa kada litro ng kanilang gasolina at diesel.

Inaasahan namang sa Martes ay susunod din sa rollback ang ilan pang kumpanya ng langis.

Ayon sa Department of Energy (DOE), ang panibagong rollback ay bunsod ng sobrang suplay ng langis sa pandaigdigang merkado.